DropIt!

Followers

Powered by Blogger.

Saturday, December 3, 2011

Ang Pagsasara ng site ng San Pablo Diyosesis sa Ning Network


Ang pagsisimula ng paghingi ng bayad ng ning.com network ay nagbadya ng pagsasara ng syte ng diyosesis ng San Pablo na dapat ay nauukol para sa mga pari at layko.

Hayaan ninyong simulan ko ulit ang pagllilom ng blog na ito. Isang panibagong simula dulot ng mga pagbabagong di natin inaasahan.

Bagama't ang blog na ito ay di pwedeng maikumpara sa ning,com dahil sa ito ay blogsayte at hindi isang network. Gumagawa tayo ng ibang pamamaraan kahit papano na matugunan ang ilang mga bahagi ng pagkilos upang magkaroon ng ibang lugar na ipahayag ang ating mga gawain bagama't hindi ito maituturing na opisyal. Hindi man ito opisyal na lugar ng pagpapahayag tungkol sa mga gawain ng diyosesis sapagkat ito ay isa lamang personal na pagkilos ng isa sa mga pari ng diyosesis. Hindi naman ito maituturing na hindi na totoo. Hindi lang ito opisyal. Hindi rin naman nangangahulugang hindi na ito opisyal ay hindi na ito isa-alang-alang ang mga mahahalagang bagay na pinaninindigan ng Simbahang Katoliko ng Diyosesis ng San Pablo ngunit hindi ito pwedeng pagbasehan bilang isang opisyal na pahayag. Hindi rin naman inilalagay ng may akda na si Reb. Padre Jessie Somosierra na ito ay isang opisyal na katatayuan ng Diyosesis.

May rin din namang nagpahayag, "hindi naman pala opisyal ito na pahayagan ng Diyosesis bakit mo pa ginagawa". Ang maitutugon ko lang ay ito ay isa sa mga pamamaraan ko sa ipahayag na mahal ko ang Diyoses is ng San Pablo.

Mass Reading of the Day

ISANG PANALANGIN BAGO PUMASOK SA INTERNET.

Diyos na makapangyarihan at walang hanggan, na lumikha sa amin ayon sa Iyong imahen
 at nagtagubiling hanapin ang lahat ng mabuti, totoo, at maganda,
lalo na sa banal na persona ng Bugtong Mong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo,
 nagsusumamo kami na Iyong tulungan,
sa pamamagitan ni San Isidro ng Seville,
sa aming mga paglalakbay sa internet
 na akayin lamang ang aming mga kamay at mata sa nakalulugod sa Iyo
 at pakitunguhan nang may habag at tiyaga ang lahat ng kaluluwang makikilala.
 Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.