Diyos na makapangyarihan at walang hanggan, na lumikha sa amin ayon sa Iyong imahen at nagtagubiling hanapin ang lahat ng mabuti, totoo, at maganda, lalo na sa banal na persona ng Bugtong Mong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo, nagsusumamo kami na Iyong tulungan, sa pamamagitan ni San Isidro ng Seville, sa aming mga paglalakbay sa internet na akayin lamang ang aming mga kamay at mata sa nakalulugod sa Iyo at pakitunguhan nang may habag at tiyaga ang lahat ng kaluluwang makikilala. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.